AIE College International
The fastest growing institution in the North
Laoag Campus
Ang Lihim Ng Nakaraan
BY: STUDENT
Sa isang liblib na lugar ng Ilocos Norte, nakatira ang mag-asawang sina Rodel at Diane. Perpekto na sana ang pagsasama, ngunit hindi sila mabiyayaan ng supling. Si Diane ay anak ng isang kilalang personalidad sa Ilocos Norte. Kongresman ang ama sa unang distrito, nag-iisang anak at tumatayong sekretarya ng kanyang ama. Samantalang si Rodel walang kinagisnan na ina at ama kundi ang kanyang matandang dalagangtiyahin. Si Rodel ay isang dakilang guro na ninanais ng makawala sa hirap ng pagtu-tutro, oo nga, pagka guro ang kinuha niya pero hindi naman ito ang ninais niya mula pagkabata, napilitan lamang siyang kunin ang kursong ito dahil sabi ng kanyang tiyahin ito raw ang mura at malapit sa kanilang bahay kaya pagkatapos nito kumoha siya ulit ng ikalawang kurso na Business Administration. Dahil sa kagustuhang tumigil sa pagtuturo at ang hindi masabi-sabi sa kanyang asawa na tunay na dahilan ng kagustuhang mag-pakalayo layo ay ang pagiging maliit niya sa ama ng kanyang asawa kaya sinubukan ni Rodel ang mag-aplay sa ibat ibang kumpanya sa Maynila sa pamamagitan ng internet. Hindi nag-tagal nakatanggap siya ng isang telegrama at iniimbitahan siya sa isang interview. Lumuwas si Rodel na hindi nagpapaalam sa asawa, aniya magtext nalamang siya at sasabihing may seminar sila sa Maynila. Pagkatapos ng mga kakailanganing pagdaanan upang makapasok sa naturang kumpanya ay sinabihan siyang magsimula kaagad. Ang kumpanyang Double R Corporation ay pagmamay-ari ng mgaEglantin Family na kasalukuyan nakabas-esa Estados Unidos. Sa kanyang unang araw bilang Head ng Op-erations department naramdaman niya kaagad na magaan ang loob niya sa head ng Human Resource Department na si Ms. Flo-res hindi niya alam pero napapangiti siya pag nakikita niya ang mukha nito. Pagpasok niya sakanyang ikalawang araw ay nag-kakagulo ang mga empleyado dahil daw sa hindi inaasahang pag-babalik bansa ng mga Eglantin at ang Double R Corporation ang kauna-unahang bibisitahin nila. Alas nuwebe palang ng umaga naka handa na lahat para sa gaganaping General Meeting ng ibat-ibang department head. Kinakabahan si Rodel dahil pangala-wang araw palang niya sa kanyang trabaho at terror pa naman daw ang boss nila. Saktong alas-diyes nang dumating ang mga Eglantin sa naturang kumpanya, sa pagkakataong iyon nasa loob na sila ng pagdarausan ng pulong. Natahimik ang lahat ng pu-masok si Ms. Eglantin kasabay ng pagbati nito sa kanila. “Good Morning everyone!” at dirediretso itong umupo saPresidential Chair. “Mr. Eglantin decided to vacate the presidency and appointed me to be the new President and CEO of this company. Any update with your department ladies and gentlemen? I need your Report ASAP, Each department head will update me for 10 minutes talk and you may start now.” Ang pahayag ni Ms. Eglantin. Nagulantang ang lahat pero wala silang nagawa kundi ang gawin ang sinasabi ni Ms. Eglantin. Pagtapos ng meeting hindi siya ma-pakali parang gusto niyang kausapin si Ms. Eglantin. Kina-hapunan, hindi na siya nagdalawang-isip pa na pumunta sa Of-fice of the President, hindi basta basta makapasok doon kasi na-karecord lahat ang galaw mapaboses at kilos kinopya pa sa ibang bansa, ang modernong mga Recording device na nakapaloob sa opisina. Nagpatulong siya kay Ms. Flores para makapasok at nang nasa harap na siya ni Ms. Eglantin. “Yes Mr. Moreno?” tanongni Ms. Eglantin. “Ma’am, hindi niyo po ba talaga ako nakikilala?”pagtatakang ta-nong ni Rodel. Sumagot ang babae sa maalumanay na boses. “Aside from you are a graduate of education, you are also a Business Administra-tion graduate, What else do you want me to know about you Mr. Moreno?” ang tanong ulit ni Ms. Eglantin. Maganda si Ms. Eglantin, malaporselana ang kutis at makikita ang pagiging kagalang-galang niya sa kumpanya dahil sa kan-yang katalinohan at anak siya ng may-ari ng kumpanyang na-pasukan ni Rodel. Si Rodel naman ay gwapo, matipuno at kung titingnan mo ay mahahalata mo ang pagiging edukado nito. Lumapit si Rodel at hinawakan ang mga kamay ng Presidente. “Please Jane huwag mo akong pahirapan.” wika ni Rodel